Dengvaxia Scandal: Ang SIKRETO bakit si PNoy ang tinuturo ni ex-DOH Sec. Garin

Dengvaxia Scandal: Ang SIKRETO bakit si PNoy ang tinuturo ni ex-DOH Sec. Garin

Tama nga ang analysis ko nuon na si dating Health Secretary Janette Garin ang may kasalanan sa Dengvaxia at hindi si PNoy!

Matapos i-deny na hindi sya nakipag meeting with Sanofi sa Paris, France nuong 2015, napilitan din syang umamin pagkatapos ang isang magandang investigative report ni Gigi Grande ng ABS CBN. (Read: An evening with Dengvaxia makers in Paris)

Recorded sa report ng Department of Foreign Affairs na nag-plano na si Garin at ang Sanofi paano presyuhan at paano maisama sa national budget ng Pilipinas ang pag bili ng Dengvaxia. Tingnan ang screenshot:

Etong meeting ni Garin at ng Sanofi eh bago pa natapos ang clinical trials ng Dengvaxia at bago pa in-approve ng Philippine FDA yung vaccine. At tinago pa yung meeting from DFA!

At nag meeting si Garin with Sanofi wala pa si PNoy nuon. Ilang buwan pa ang nakalipas bago na-meet ni PNoy ang mga Sanofi dahil na din sa pag-udyok ni Garin.

Ang tanong, bakit sinubukan i-deny ni Garin yung pinaka unang meeting at ipasa kay PNoy ang sisi? Eh kahit nga ang current DOH Secretary Duque – sinabing walang kasalanan si PNoy. (Read: DOH Health Sec. Duque: Noynoy, Walang Kasalanan)

Ang sagot at ang sikreto ni Garin – adviser na si Garin ni House Speaker Pantaleon Alvarez. (Read: Garin met with Sanofi in May 2015)

Hindi lang iyon. Ang asawa ni Garin ay si current Iloilo Congressman Oscar Garin – na Provincial President ng PDP Laban party. (Read: Cong. Garin, prov’l president sang PDP-Laban)

Galaw na naman eto ng Duterte administration at mga fake news bloggers para ipasa ang sisi sa “dilawan” o sa Liberal Party by connecting Dengvaxia to PNoy. Eh ang totoo, ang konektado dito eh mga trapong politicians tulad ng Garin dynasty na lumipat mula LP to PDP-Laban.

Sabi nga ni Jose Rizal, walang sikreto o lihim na hindi nabubunyag. Kaya wag ka na mag sinungaling, Garin! Managot ka sa mga biktima.

0 replies

Leave a Reply

Want to join the discussion?
Feel free to contribute!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *