Happy BolJak Monthsary: Salamat sa Pakikipaglaban

Happy BOLJAK Monthsary Salamat sa Pakikipaglaban

Hindi ako makapaniwala na nakaka isang buwan na po ang BolJak – ang radio show ko sa Radyo Singko kasama si Atty. Bruce Rivera at veteran journalist Maeann Los Banos.

Boljak cake
Isa lang po gusto ko sabihin sa lahat ng sumusubaybay – SALAMAT!

Hindi magiging successful at sustainable yung show kung wala po kayong mga nakikinig at interesado pagandahin ang pulitika ng ating bansa, ang Pilipinas, mapa Dilawan o DDS pa man.

Pinapatunayan nyo po kayong mga sumusubaybay na pwedeng mag-usap at makinig ang mga Pilipino kahit magkaiba sila ng pinaniniwalaan o sinusuportahan – tulad ko at ni Bruce Rivera.

Boljak cake with Bruce Rivera and Jesus Falcis

Sana po ay tumagal pa tayo para mas madami pa tayong isyu pampulitika na hihimayin at ipapaliwanag para sa ikaka-talino ng ating mga kababayan at ikabubuti ng ating bansa

Kung wala kayo, hindi ako magkaka oportunidad o pribilehiyo na ma-interview at ma-boljak ang mga importanteng tao sa ating pulitika tulad nina Senate President Koko Pimentel, House Speaker Pantaleon Alvarez, dating DOH Sec. Janette Garin at PAO Chief Persida Acosta.

Shout out sa mga suki ko sa blog at sa FB live – sina Ezzy Tiel, Ana Marie Briones, Vicentidad Trinidad, Abel Quintos, Carlos Mattus, Yoyoy Cala, Mark Ortiz, at iba pa!

Salamat kay Cai Cena na dahilan bakit kami na discover ng TV5 management. Salamat sa show na Versus nakita ang aming FRENEMY chemistry ni Bruce haha!

Salamat din siempre sa lahat ng bumubuo ng team ng BolJak – sina miss Jessica David, Kenneth Relucio, at iba pa! Sobrang dali ng buhay namin ni Bruce dahil ang galing ng research at production ng show. Sila ang aming backbone, wala ang show kung wala sila.

Boljak Family

0 replies

Leave a Reply

Want to join the discussion?
Feel free to contribute!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *