LUHO ni Isabelle Duterte: San kinukuha ni Paolo Duterte ang pambayad para sa mga designer gowns at luxury brands?

Sa dami ng luho na pinapakitang suot at ginagamit ni Isabelle Duterte, kailangan nating tanungin san galing ang pera at yaman ng kanyang tatay na si Davao City Vice-Mayor Paolo Duterte.

Mahigit sa 1 MILLION PESOS ang ginastos ni Isabelle Duterte para lang sa isang “pre-debut” photoshoot from the stylists. Yung isang gown mula Dubai ay nasa halagang P600,000 na! (Read: How Many Designer Gowns Did Isabelle Duterte Wear For Her Pre-Debut Shoot?)

Tapos post ng post sa Instagram si Isabelle na suot-suot nya ay mga Gucci, Chanel, o Celine – na sa bilang ni journalist Miguel Syjuco ay so far mahigit mga P500,000! Ang isang sapatos ay nasa halagang mahigit P30,000! (Read: LOOK: Pres. Duterte’s Granddaughter Rocking Luxury Sneakers)

Si Paolo Duterte naman, nahuling may Audemars Piguet nuong um- attend ng Senate hearing sa P6.4 Billion shabu Customs shipment scandal. Yung luxury watch na yon ay nasa mga higit 2 MILLION PESOS.

So pag sinama mo yung mga alam natin so far na ginastos ni Isabelle at ang relo ni Paolo Duterte, nasa P3.5 MILLION lahat. Ang tanong, afford ba ng pamilya ni Paolo Duterte eto? Eh ang naging trabaho lang ni Paolo Duterte ay Barangay Captain atsaka Vice-Mayor. Mula 2007 to 2013, bilang Brgy. Captain na may Salary Grade 14 eh ang kita nya ay 275,000+ a year o mahigit P1.65M+ para sa anim (6) na taon.

Mula 2013 to 2016, bilang Vice-Mayor na may Salary Grade 28 eh ang kita nya ay 800,000+ a year o mahigit P 2.4M+ para sa tatlong (3) taon. (Read: Vice Mayor Paolo Zimmerman Duterte)

So kung i-add natin, from 2007 to 2016, ang income lang ni Paolo Duterte ay nasa mga P4 Million. Eh ang total na ginastos ni Paolo para sa kanyang Audemars at sa mga LUHO ni Isabelle ay nasa P3.5 Million. So P500,000 lang ginastos ni Paolo Duterte para sa tubig, pagkain, kuryente,at bahay mula 2007 hanggang 2016??

Kaya PAOLO DUTERTE, may TAGONG YAMAN KA BA? How can you afford all the luxuries you have been buying for yourself and Isabelle? Baka tama si Trillanes na smuggling king at drug lord ka. (Read: Paolo Duterte a ‘smuggler’? Trillanes releases documents anew)

Ang advise ko, show your tattoo and sign a bank secrecy waiver. Sabihan mo na din tatay mo na mag sign din. Hindi ba mahilig sabihin ni President Duterte: IF YOU HAVE NOTHING TO HIDE, YOU HAVE NOTHING TO FEAR.

Eh di pumirma na kayo!

0 replies

Leave a Reply

Want to join the discussion?
Feel free to contribute!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *