Pia “GRANADA” Ranada: Mabuhay Ka at Wag Susuko!

Pia Ranada, Duterte, Mocha Uson and Bong Go

Nadudurog ang puso ko sa pag-ban sayo sa Malacañang, Pia. Hindi kita kilala personally at hindi ako biased for you. Nadudurog ang puso ko dahil tinatapakan na naman ni Duterte ang freedom of the press at ang Konstitusyon. Lalo na nung nakita ko etong tweet mo:pia's tweet

Ang gusto ko sabihin sayo – SALAMAT at MABUHAY KA! Salamat sa iyong sipag at walang sawang pag cover mo kay Duterte kahit na bastos ang bunganga nya at wala sya respeto sa mga babaeng tulad mo.

Pia's article about Duterte

Nahahalata ko lang Pia, you always ask the tough (and correct) questions kay Duterte. Kaya sya siguro naiinis at sabi nya “nabi-bwisit” sayo. Eto ang listahan ng ilan sa mga tough questions mo kay Duterte:

  1. Tinanong mo si Duterte kung nilabag ba nya ang Davao City Ordinance laban sa catcalling matapos pumito o mag-whistle si Duterte kay GMA 7 Reporter Mariz Umali (2016)
  2. Tinanong mo si Duterte kung tama bang sabihin nya na bayaran ang mga journalists at tama lang kung sila ay patayin o i-assassinate matapos subukang i-justify ni Duterte ang pagkamatay ni Jun Pala (kadiri sobra si Duterte dito wala na nga laban yung patay sinisiraan pa nya)
  3. Tinanong mo si Duterte kung totoo bang hindi issue ng press freedom ang SEC decision laban kay Rappler matapos atakihin personally at pangalanan ni Duterte ang Rappler (kasama ang Inquirer)

Pero alam mo ano ang pinaka nag trigger kay Duterte na i-ban ka at ang Rappler mula sa Malacañang? Nag sulat kasi kayo ng katotohanan tungkol sa pakikialam ni Bong Go, ang bff at beshie ni Duterte, sa P15.7 Billion Frigate deal ng Philippine Navy. Ayan tuloy type na type ka na gawan ng fake news sa Youtube na binara ka daw or sinunog ka daw or na boljak ka ni Duterte!

Pia vs Duterte

Libre naman sila maging baliw or maging delusional. Pinahiya ka daw ni Duterte eh sa totoo lang you stood tall sa harap ng isang bastos at walang modo. Si Duterte, balat sibuyas. Napikon sa iyo! Alam naman natin – ang pikon laging talo!

Sa lahat at dami ng binabato sayo at pag-gi-gipit sayo, wag kang matatakot. Nandito kami – ang taong bayan – sa likod mo. Sa tabi mo. At kung susubukan kang ikulong tulad nung ginawa nila kay De Lima, nasa harap mo kami makikipaglaban para sayo at para sa bayan.

Kaya wag kang susuko… ituloy mo lang ang trabaho mo bilang journalist – speak truth to power. Isa kang GRANADA sa panahon ng digmaan laban sa fake news at mga sinungaling at corrupt!

0 replies

Leave a Reply

Want to join the discussion?
Feel free to contribute!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *