SALUDO para kay Noynoy Aquino: Humarap, Sumagot, at Walang Palusot!

Napahanga ako ni dating Pangulo ngayon isang private at ordinary citizen Noynoy Aquino sa kanyang pagdalo sa Senate hearing sa issue ng Dengvaxia.

Kahit anong subok ni Senator Dick “Trapo” Gordon at Atty. Topak-syo na dumihan at pulitika-hin si PNoy, simple at diretso lang ang sagot nya para ipaliwanag bakit bumili ng anti dengue vaccines ang administrasyon nya nuon.

Simple ang paliwanag ni PNoy – pinayuhan sya na safe ang Dengvaxia pagkatapos lumampas sa 5-step process ng FDA, walang nakarating sa kanya na posibleng may masamang epekto ang vaccine, at gumamit ang administrasyon nya ng savings (na hindi galing sa Disbursement Acceleration Program o DAP) na ayon sa batas at sa 2015 budget.

Napa-oo na lang si Senator Dick at sinabing wala syang pwedeng itira sa integrity ni PNoy. Umamin pa si Dick na nahihiya sya kay PNoy! (Read: Aquino answers ‘unasked’ question over role in Dengvaxia issue)

Pero higit pa sa outstanding performance ni PNoy sa hearing, hangang-hanga ako dahil walang gimik o pagtatagong ginawa si PNoy. Hindi sya tulad ng mga ibang dating Presidente na nagtatago sa batas.

Hindi sya nag wheelchair (Gloria Arroyo) at nag kunwaring may sakit para may rason syang hindi dumalo ng hearing. Hindi sya tumakbo bilang Congressman (Gloria Arroyo) para magtago sa likod ng parliamentary immunity. Hindi sya tumakbo bilang Mayor (Erap Estrada) para matakot ang mga kalaban nya sa pulitika.

Hindi sya nag invoke ng right against self incrimination. Hindi sya nagpa coach or nagpa assist sa isang lawyer. At hindi din sya nagpa awa effect tulad ng pag-iyak ni General Bato!

Sa madaling salita, wala syang takot dahil wala syang tinatago.

Kaya para sayo PNoy – ang dating Pangulo na tunog at mukhang Presidential pa din – isang SNAPPY SALUTE!

0 replies

Leave a Reply

Want to join the discussion?
Feel free to contribute!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *