Isabelle Duterte’s Australia debut teaser video: Magkano ginastos at san galing ang YAMAN ni Paolo Duterte?

WOW naman… as if hindi pa nga sobrang maluho at in bad taste yung dating pre-debut photoshoot ni Isabelle Duterte sa Malacañang!

Ngayon meron pang teaser debut VIDEO na shinoot sa AUSTRALIA. TINGNAN:

Ang yaman-yaman naman ng mga magulang ni Isabelle Duterte. More than 1 MILLION PESOS ang gastos sa dating photoshoot, ngayong video naman. Magkano kaya? Siguradong mas mahal!

Dalawang bagong gowns, lumipad papuntang Australia at nag shooting sa mga sikat na lugar (na siguradong kinailangan nila ng security), at professional visual and glam team – Gianne Carlo Chua Visuals.

Tinanong ko na dati pa na how can Isabelle Duterte’s parents – one of which is Paolo Duterte – AFFORD TO SPEND millions and millions of pesos for a birthday debut.

Baka sabihin na naman nila na libre lang lahat yun. WOW naman libre ang serbisyo ng madaming tao na involved sa video – editor, photographer, videographer, on site stylist, at iba pa!

As a government official all of his working life, Paolo Duterte does not have the millions to spend on one debut. So ang tanong, san galing ang pera? May tagong yaman ba? May corruption ba? Or pinaka nakakatakot… may drug money at drug lord o drug protector ba si Paolo Duterte?

Cinompute ko na dati ang total salary na posibleng kitain ni Paolo Duterte bilang isang government official. Hindi talaga kaya ma justify ang mga LUHO ni Isabelle Duterte at ang mamahaling luxury watch ni Paolo Duterte.

Hindi porket nag resign si Paolo Duterte as Vice Mayor eh hindi na sya kailangan magpaliwanag tungkol sa kanyang KAYAMANAN. Being a government official in the past and the amount of money being spent by his non-working daughter justifies asking HOW COULD THEY AFFORD IT.

Only by showing his back tattoo or signing a bank secrecy waiver will Paolo Duterte discharge his DUTY to be accountable to the Filipino people. Public office is a public trust!

LUHO ni Isabelle Duterte: San kinukuha ni Paolo Duterte ang pambayad para sa mga designer gowns at luxury brands?

Sa dami ng luho na pinapakitang suot at ginagamit ni Isabelle Duterte, kailangan nating tanungin san galing ang pera at yaman ng kanyang tatay na si Davao City Vice-Mayor Paolo Duterte.

Mahigit sa 1 MILLION PESOS ang ginastos ni Isabelle Duterte para lang sa isang “pre-debut” photoshoot from the stylists. Yung isang gown mula Dubai ay nasa halagang P600,000 na! (Read: How Many Designer Gowns Did Isabelle Duterte Wear For Her Pre-Debut Shoot?)

Tapos post ng post sa Instagram si Isabelle na suot-suot nya ay mga Gucci, Chanel, o Celine – na sa bilang ni journalist Miguel Syjuco ay so far mahigit mga P500,000! Ang isang sapatos ay nasa halagang mahigit P30,000! (Read: LOOK: Pres. Duterte’s Granddaughter Rocking Luxury Sneakers)

Si Paolo Duterte naman, nahuling may Audemars Piguet nuong um- attend ng Senate hearing sa P6.4 Billion shabu Customs shipment scandal. Yung luxury watch na yon ay nasa mga higit 2 MILLION PESOS.

So pag sinama mo yung mga alam natin so far na ginastos ni Isabelle at ang relo ni Paolo Duterte, nasa P3.5 MILLION lahat. Ang tanong, afford ba ng pamilya ni Paolo Duterte eto? Eh ang naging trabaho lang ni Paolo Duterte ay Barangay Captain atsaka Vice-Mayor. Mula 2007 to 2013, bilang Brgy. Captain na may Salary Grade 14 eh ang kita nya ay 275,000+ a year o mahigit P1.65M+ para sa anim (6) na taon.

Mula 2013 to 2016, bilang Vice-Mayor na may Salary Grade 28 eh ang kita nya ay 800,000+ a year o mahigit P 2.4M+ para sa tatlong (3) taon. (Read: Vice Mayor Paolo Zimmerman Duterte)

So kung i-add natin, from 2007 to 2016, ang income lang ni Paolo Duterte ay nasa mga P4 Million. Eh ang total na ginastos ni Paolo para sa kanyang Audemars at sa mga LUHO ni Isabelle ay nasa P3.5 Million. So P500,000 lang ginastos ni Paolo Duterte para sa tubig, pagkain, kuryente,at bahay mula 2007 hanggang 2016??

Kaya PAOLO DUTERTE, may TAGONG YAMAN KA BA? How can you afford all the luxuries you have been buying for yourself and Isabelle? Baka tama si Trillanes na smuggling king at drug lord ka. (Read: Paolo Duterte a ‘smuggler’? Trillanes releases documents anew)

Ang advise ko, show your tattoo and sign a bank secrecy waiver. Sabihan mo na din tatay mo na mag sign din. Hindi ba mahilig sabihin ni President Duterte: IF YOU HAVE NOTHING TO HIDE, YOU HAVE NOTHING TO FEAR.

Eh di pumirma na kayo!

Ubial BINISTO ang pag kontsaba sa Dengvaxia ng mag asawang Garin

Hindi lang tama ang sinabi ko nuon na si dating DOH Sec. Garin ang may kasalanan sa isyu ng Dengvaxia. Tama din na may sikretong tinatago na interest si Garin sa mga anti dengue vaccines.

Isiniwalat ni dating DOH Sec. Ubial na sa ilalim ng administrasyong Duterte, prinessure sya ni Congressman Oscar Garin Jr. – na asawa ni Sec. Garin – na i-expand at bumili pa ng mas madaming Dengvaxia o anti dengue vaccine. (Read: Ubial: Garin’s lawmaker-husband asked me to buy more Dengvaxia vaccine during budget hearing)

Isiniwalat din ni Ubial na isa sa mga rason kaya sya hindi na-confirm ng Commission of Appointments ay dahil sa pag oppose nya na i-expand ang Dengvaxia. Binantaan pa si Ubial na hindi ipapasa ang budget ng DOH kung hindi nya iyon gagawin. (Read: Health professionals, umalmang huwag ‘i-hostage’ ang DOH budget)

Bakit ba interesado na interesado ang mag-asawang Garin sa Dengvaxia?

At hindi na panahon ni PNoy yan ah, panahon na ni Duterte. So klarong-klaro na si Garin ang may kasalanan sa mabilis na pag bili ng Dengvaxia dahil sya ang may interest!

Kaya kayong mga ka-DDS fake news blogger, wag si PNoy ang tirahin nyo. Bakit hindi nyo kaya tirahin ang BFF nyo na si Congresswoman Gwen Garcia na syang kumontra kay Ubial?

Pagkatapos ng testimonya ni Ubial, walang duda na puro propaganda lang ang mga ka-DDS fake news blogger. Nganga!

SALUDO para kay Noynoy Aquino: Humarap, Sumagot, at Walang Palusot!

Napahanga ako ni dating Pangulo ngayon isang private at ordinary citizen Noynoy Aquino sa kanyang pagdalo sa Senate hearing sa issue ng Dengvaxia.

Kahit anong subok ni Senator Dick “Trapo” Gordon at Atty. Topak-syo na dumihan at pulitika-hin si PNoy, simple at diretso lang ang sagot nya para ipaliwanag bakit bumili ng anti dengue vaccines ang administrasyon nya nuon.

Simple ang paliwanag ni PNoy – pinayuhan sya na safe ang Dengvaxia pagkatapos lumampas sa 5-step process ng FDA, walang nakarating sa kanya na posibleng may masamang epekto ang vaccine, at gumamit ang administrasyon nya ng savings (na hindi galing sa Disbursement Acceleration Program o DAP) na ayon sa batas at sa 2015 budget.

Napa-oo na lang si Senator Dick at sinabing wala syang pwedeng itira sa integrity ni PNoy. Umamin pa si Dick na nahihiya sya kay PNoy! (Read: Aquino answers ‘unasked’ question over role in Dengvaxia issue)

Pero higit pa sa outstanding performance ni PNoy sa hearing, hangang-hanga ako dahil walang gimik o pagtatagong ginawa si PNoy. Hindi sya tulad ng mga ibang dating Presidente na nagtatago sa batas.

Hindi sya nag wheelchair (Gloria Arroyo) at nag kunwaring may sakit para may rason syang hindi dumalo ng hearing. Hindi sya tumakbo bilang Congressman (Gloria Arroyo) para magtago sa likod ng parliamentary immunity. Hindi sya tumakbo bilang Mayor (Erap Estrada) para matakot ang mga kalaban nya sa pulitika.

Hindi sya nag invoke ng right against self incrimination. Hindi sya nagpa coach or nagpa assist sa isang lawyer. At hindi din sya nagpa awa effect tulad ng pag-iyak ni General Bato!

Sa madaling salita, wala syang takot dahil wala syang tinatago.

Kaya para sayo PNoy – ang dating Pangulo na tunog at mukhang Presidential pa din – isang SNAPPY SALUTE!

Dengvaxia Scandal: Ang SIKRETO bakit si PNoy ang tinuturo ni ex-DOH Sec. Garin

Dengvaxia Scandal: Ang SIKRETO bakit si PNoy ang tinuturo ni ex-DOH Sec. Garin

Tama nga ang analysis ko nuon na si dating Health Secretary Janette Garin ang may kasalanan sa Dengvaxia at hindi si PNoy!

Matapos i-deny na hindi sya nakipag meeting with Sanofi sa Paris, France nuong 2015, napilitan din syang umamin pagkatapos ang isang magandang investigative report ni Gigi Grande ng ABS CBN. (Read: An evening with Dengvaxia makers in Paris)

Recorded sa report ng Department of Foreign Affairs na nag-plano na si Garin at ang Sanofi paano presyuhan at paano maisama sa national budget ng Pilipinas ang pag bili ng Dengvaxia. Tingnan ang screenshot:

Etong meeting ni Garin at ng Sanofi eh bago pa natapos ang clinical trials ng Dengvaxia at bago pa in-approve ng Philippine FDA yung vaccine. At tinago pa yung meeting from DFA!

At nag meeting si Garin with Sanofi wala pa si PNoy nuon. Ilang buwan pa ang nakalipas bago na-meet ni PNoy ang mga Sanofi dahil na din sa pag-udyok ni Garin.

Ang tanong, bakit sinubukan i-deny ni Garin yung pinaka unang meeting at ipasa kay PNoy ang sisi? Eh kahit nga ang current DOH Secretary Duque – sinabing walang kasalanan si PNoy. (Read: DOH Health Sec. Duque: Noynoy, Walang Kasalanan)

Ang sagot at ang sikreto ni Garin – adviser na si Garin ni House Speaker Pantaleon Alvarez. (Read: Garin met with Sanofi in May 2015)

Hindi lang iyon. Ang asawa ni Garin ay si current Iloilo Congressman Oscar Garin – na Provincial President ng PDP Laban party. (Read: Cong. Garin, prov’l president sang PDP-Laban)

Galaw na naman eto ng Duterte administration at mga fake news bloggers para ipasa ang sisi sa “dilawan” o sa Liberal Party by connecting Dengvaxia to PNoy. Eh ang totoo, ang konektado dito eh mga trapong politicians tulad ng Garin dynasty na lumipat mula LP to PDP-Laban.

Sabi nga ni Jose Rizal, walang sikreto o lihim na hindi nabubunyag. Kaya wag ka na mag sinungaling, Garin! Managot ka sa mga biktima.

LEGAL OPINION: Mapapa KULONG ba ni Jover Laurio aka PAB si Franco Mabanta?

Kahapon, nag file ng kasong criminal cyber libel si Jover Laurio aka Pinoy Ako Blog laban kay ka-DDS blogger Franco Mabanta. Mapapakulong ba ni PAB si Mabanta?

Para malaman natin kung malakas ang kaso, tingnan natin ang alleged libelous posts.

Basically, apat ang alegasyon ni PAB kay Mabanta – tatlong (3) kaso ng libel dahil sa mga salita tungkol sa itsura ni Jover at isang (1) kaso ng libel dahil sa di-umanong akusasyon na binayaran si Jover ng mga “Yellows” at inutusang mag play ng victim card.

Bago ako mag umpisa, I would like to say I do not support criminal libel. Naniniwala ako na dapat hindi makulong ang isang tao – journalist, blogger, or ordinaryong mamamayan – kahit nang libel sya o nanira ng reputasyon. At most, dapat civil na kaso or damages or danyos lang.

But since as of now criminalized ang libel, tingnan natin kung mananalo si Jover.

May four elements ang libel – defamatory imputation, publication, identification, and malice. Yung first three – nasa posts ni Mabanta. Ang salitang Ogre Lady at iba pa ay mga paninirang puri or defamatory. Nag publish sya ng mga ganung salita sa FB post or comment nya. At may identification – si Jover Laurio or Pinoy Ako Blog ang tinuturo at sinasabihan nya ng mga paninira.

Sa isyu ng malice, kapag private citizen ang ni-libel, malice is presumed. Hindi na kelangan patunayan. Pero pag public figure ang ni-libel, malice is not presumed. Kailangan patunayan ng nag sampa na may malice yung nag sulat or nag defame.

Jover Laurio aka Pinoy Ako Blog is a public figure, albeit accidental. She blogs publicly and she came out publicly (matapos mapilitang lumabas dahil sa bullying at doxxing). She is a person that the public has an interest in – na cover pa nga sya ng BBC.

So kung public figure si Jover, kelangan nya patunayan na may malice si Mabanta. Ang problema, sa Philippine law, para masabing may malice ang isang writer, kelangan patunayan ni Jover na nag sulat si Mabanta ng defamation with “reckless disregard of the truth or falsity.”

Sa madaling salita, kelangan sobrang pabaya si Mabanta sa hindi pag siguro ng katotohanan.

Pag ad hominem remarks or mga subjective statements tulad ng “panget ka” or “bobo ka,” mahirap sabihin kung true or false iyon dahil iba-iba ang mga tao ng pananaw sa kung ano ang maganda o ano ang matalino. So sa tatlong (3) counts of libel na sinampa ni Jover, sa tingin ko matatalo sya at hindi makukulong si Mabanta. Walang reckless disregard for the truth or falsity kasi ang pagiging “Ogre Lady” ay mahirap masabi kung totoo o hinde.

At kapag criminal case, kelangan mapatunayan ang guilt with proof beyond reasonable doubt. Madali para kay Mabanta na bigyang duda ang hukom o huwes na walang reckless disregard.

Pero sa huling count of libel na sinampa ni Jover, duon mas malakas ang kanyang kaso. Kung binayaran sya ng “Yellows” or Liberal Party at inutusan mag play ng victim card ay defamatory – bayaran sya di-umano. At eto ay hindi subjective, eto ay totoo o hindi – binayaran ba sya o hinde?

Kung mapapatunayan ni Mabanta na totoo eto, hindi sya makukulong dahil sa libel against public figures, truth is a defense. Pero malabong mapatunayan nya yan.

At madaling mapatunayan ni Jover na may reckless disregard for the truth or falsity – may sobrang kapabayaan na mag verify and investigate kung totoo ang akusasyon na bayaran si Jover. Hindi kinuha ni Mabanta ang side ni Jover, walang source si Mabanta na bayaran si Jover, hindi sya nag hanap ng corroborating sources, at iba pa!

So kaya ayon – mukhang makukulong si Franco Mabanta. He better have a good lawyer. Ang abugado ni Jover ay no less than former Solicitor General Atty. Florin Hilbay, bar topnotcher nuong 1999.

Good luck… or good riddance? Haha anong masasabi nyo mga ka-FAB?

Kita kits sa QC Pride March ngayon sa Tomas Morato

Kita kits sa QC Pride March ngayon sa Tomas Morato

Ngayon – December 9, 2017 – ay ang araw na iho-host ng Quezon City ang LGBT Pride March sa Tomas Morato. I will be there marching for sure! Isusuot ko ang aking rainbow colored Lacoste or rainbow Lego designed Uniqlo.

Photo credits to and copyright of Elaine Ross Baylon

Registration starts at 1pm hanggang 3pm. The pride march starts at 3pm. Sa gabi, may rock concerts, food night market, and party! For more details, visit the Facebook page of the event – QC Pride March here: QC PRIDE MARCH

Make sure not to miss it if you are an advocate or an ally. Kelangan natin ipakita at iparinig ang ating mga boses! Kahit na progressive na ang Quezon City, importanteng ituloy ang laban dahil madami pang kelangang ma-achieve.

Siguradong mag e-enjoy kayo. Masaya at makulay ang pride parade! Tanggap lahat ng tao. Anybody is welcome to join. Kita kits!
[insert QC Pride March in article image 2 – put a caption below the photo

Photo credits to and copyright of GMA News

Kung pamatay na ang Maynila, ano dapat gawin ni Duterte?

Kung pamatay na ang Maynila, ano dapat gawin ni Duterte?

Sabi ni President Duterte, the City of Manila will be dead in 25 years kaya dapat daw i-close na eto at walang pag-asa ma-rehabilitate ang syudad. Nge! Akala ko ba Best President of the Solar System si Duterte? (Read: PHILIPPINES Duterte: Manila will be a ‘dead city’ in 25 years)

Hindi dapat sinasabi ni Duterte na wala na pag-asang ma-rehabilitate ang Maynila. Parang sumu-surrender na sya kung ganun. Sabi nya nung kampanya aayusin nya ang traffic in 2 years.

Bakit hindi sya mag trabaho at ayusin ang Maynila at ang Metro Manila imbes na sabihing pamatay na eto? So wala syang gagawin para hindi mamatay ang Maynila? Wala syang gagawin para bawasan ang traffic?

Pag may usapang patay, naaalala ko ang kapangalan ko – si Jesus. Dapat tanungin ni President ang sarili nya – what would Jesus do?

Jesus would not give up. Jesus would use his powers. Jesus would resurrect the dead tulad nung ginawa nya kay Lazarus.

Pero hindi Diyos si Duterte. Buti na lang. Baka pinatay nya lahat ng tao instead. Eeeppp katakot.

Bilang ng drug users DUMAMI at LUMOBO sa panahon ni Duterte

Bilang ng drug users DUMAMI at LUMOBO sa panahon ni Duterte

Akala ko ba 3 – 6 months lang matatapos ni Duterte ang problema ng droga? Bakit higit dumoble ang bilang ng drug users sa isa’t kalahating taon lang? Ngek!

Bistado at lantad ang kapalpakan ng war on drugs sa mga tanong ni Supreme Court Justice Carpio kay Solicitor General Calida nuong oral arguments kahapon.

Nuong 2015, 1.5 million lang ang drug users ayon sa PDEA at sa 2016 Memorandum ni PNP Chief Ronald Bato. Sa 2016 habang si Duterte ang pangulo, naging 4.7 million!! (Read: SC justices: More killings, drugs users since Duterte became president)

Drugs_Lumobo_1

Kung hindi pa nakakaloka yon, pinalaki pa ni trapong Alan Peter Cayetano yung bilang ng drug users to 7 million. September 2017 lang nya sinabi yun so sa loob ng isa’t kalahating taon, LUMOBO ang bilang ng drug users more than 4x, from 1.5 million to 7 million!
(Read: At U.N., Cayetano bloats number of drug users to 7 million)

Drugs_Lumobo_2

There can be no other conclusion but that the War on Drugs is a FAILURE. Madaming namatay para lang sa wala. Kaya kung galit ka dear reader sa drugs, dapat magalit ka kay Duterte kasi dumami lalo sa pamamahala nya.

At bago magsabi ang mga ka-DDS na “walang nagawa si PNoy sa drugs,” tingnan natin ang report ng PDEA nuong 2014 – P6 BILLION worth of all illegal drugs ang na-confiscate. Nuong 2015 – P2.4 BILLION worth of shabu ang na-confiscate. Wow! Pwede palang labanan ang illegal drugs na walang namamatay?

PDEA_2015_2014

FAKE NEWS / akusasyon ni Gadon binara ni Senator Ping Lacson at Senator Grace Poe

FAKE NEWS / akusasyon ni Gadon binara ni Senator Ping Lacson at Senator Grace Poe

Maaga pa lang, nag ma-mind conditioning na ang kampo ni Bongbong Marcos through Attorney “pano-naging- abugado” Larry Gadon. Meron daw malaking tycoon na handang suhulan ang mga Senador ng P200 million para i-acquit si Chief Justice Lourdes Sereno.

Anong source nya? WALA.

He is still trying to verify the information daw. Eh bakit mo ipapakalat na may bribery attempt kung vine-verify mo pa? Halatang gusto lang nya itanim sa utak ng Filipino public na kung ma-acquit si CJ Sereno ng Senado eh dahil may bribery. (Read: Gadon bares ‘bribery plan’ to acquit Sereno; CJ camp calls it ‘another big lie’)

Gadon_Sereno_bribery_1

Tama si Senator Ping Lacson eh – dapat daw hindi paniwalaan si Gadon kasi puro hearsay at inconsistent ang kanyang testimony sa Lower House. Triple hearsay daw – triple levels of chismis! Haha (Read: P200M suhol sa Sereno acquittal, ‘triple hearsay’ – Ping)

Gadon_Sereno_bribery_2

Dapat ipa-contempt of court yang si Gadon ng Senado pag nag-convene ang Senate as the Impeachment Court! Bina-baboy nya ang Constitution at ang impeachment as a tool of public accountability.

Tama ang hamon ni Senator Grace Poe at Lacson kay Gadon – reveal your sources! Otherwise, lies and propaganda lang etong akusasyon ni Gadon. (Read: Reveal your sources, Poe, Lacson dare Gadon over P200-M bribe rap)

Gadon_Sereno_bribery_3

Maghantay ka umabot sa Senado ang impeachment complaint, Gadon! Lagot, yari, at tigok ka kay Poe and Lacson. ^_^